Folk Tale

Ang Aso at ang Kanyang Anino

Translations / Adaptations

Text titleLanguageAuthorPublication Date
Der Hund und sein SpiegelbildGerman__
El perro y su reflecciónSpanish__
AuthorR. M. Custodio
Book TitlePabula: Isang Makabagong Koleksyon
Publication Date1996
ATU34A
LanguageTagalog
OriginPhilippines

Isang aso ang nakahukay ng buto sa lupa. Tuwang-tuwa siya at dali-daling hinawakan ang buto sa pamamagitan ng kanyang bibig.

Dinala niya ang buto upang iuwi sa kanyang tirahan, subalit nang siya ay malapit na, napadaan siya sa isang ilog. Pinagmasdan niya ang ilog at doo'y nakita niya ang sariling anino. Sa pag-aakalang ibang aso iyon na may hawak-hawak ring buto sa bibig, tinahulan niya iyon nang tinahulan upang maangkin din ang buto nito.

Dahil dito, humulagpos mula sa kanyang bibig ang butong hawak-hawak at nahulog sa ilog. Tinangay ng agos ang buto at hindi na uli nakuha pa ng sakim na aso.


Text view